Wednesday, January 12, 2011

Bakit nga ba ganun ang title ng blog ni Steph?

Tulad ng lahat ng kababalaghang ginagawa ko, kailangan kong ipaliwanag kung bakit makalipas ang halos isang linggong pag-iisip at pag tanong sa mga friends sa facebook kung anong magandang title ng blog "Under the 8 Rays of the Sun" ang napagdesisyunan kong gamitin. Syempre diba sa pangatlong post pa talaga nag-explain...

Sa Pilipinas ako pinanganak.

Hindi ko sasabihin kung kailan at kung saang ospital, sa profile ka pumunta kung un ang gusto mong makita. 21 years old na ako pero aaminin ko na hindi Filipino ang unang lenguwahe ko. English ang nakamulatan ko at kung hindi pa naaksidente ang nanay ko (hindi ko sinabing maganda un ha) hindi kami matututo ng mga kapatid ko ng Tagalog (Syempre mas matagal silang English speaking kasi bunso ako).

Sa Pilipinas ako lumaki.

O, alam ko na yang joke mo...never ako naging maliit. Kahit marunong na ko mag Tagalog bago pa pumasok sa eskwelahan English speaking pa rin ako lalo na kapag galit na. Dun ako nagsimula magsulat, English lahat (ndi ba halata? O alam na kung bakit english ang mga nauna kong post). Yun kasi ang lumalabas eh. So kapag galit ako, sulat, sulat lang hangang sa mawala lahat ng nararamdaman. Kapag wala na normal na ko ulit, maglalaro. Sa bahay english ang pinapanood namin. Ayaw ko ng Batibot nun, maka-Sesame Street ako. English movies lang ang pinapanood sa sine, sabi ko kasi nun sayang lang pera kung manunuod ng tagalog.

Sa Pilipinas ako mamamatay.

Dark na ba? Kahit na mas marunong akong mag ingles (malalim nga na tagalog hindi ko maintindihan minsan), Pilipino pa rin ako. Adik ako sa news documentaries simula pagkabata: Probe, Correspondents at Reporter's Notebook (marami pa... pero d ko alam ung pangalan nung ibang palabas kasi wala naman akong pakialam sa pangalan ng palabas).  Nakita ko lahat ng pangit sa bansa, lahat ng pagkakamaling madali lang naman itama kung gusto nila at ang mga problema ng bansa. Pero kahit na ganun, natutunan kong mahalin ang Pilipinas, salamat sa English Teacher ko nung High School (ang ironic noh?).Wala akong pakialam sa mga magsasabing "Mabubulok ka lang sa Pilipinas, hindi ka mapapakain ng pagmamahal mo", opinyon nila yun...eto ang akin. Ok naman sakin ang ma-rotate ng ilang buwan sa ibang bansa para sa trabaho (aba adventure un noh, d ko tatangihan), pero kung doon na ko talaga titira ayaw ko.

Wala naman akong partikular na topic sa pagsusulat, kung ano trip kong isulat yun na yun. Hindi naman kasi ako nagsusulat para mabasa (o ma- psychologize ako) ng iba. Para sakin kaya ako nagsusulat, para lang maglabas ng emosyon na hindi ko alam ilabas sa ibang paraan.

Eto palang ung part na explanation (nakaka asar noh? hahaha belat):

Alam mo naman siguro na 8 ang rays ng araw sa watawat ng Pilipinas diba? (nagbilang naman cya) Alam mo rin naman ung ibig sabihin ng phrase na, "Anything under the Sun". So, ayan na. Under the 8 Rays of the Sun: Opinyon ng isang Pilipino sa lahat ng bagay sa mundo. Bonus na rin na 7 words cya (wala lang, trip ko 7 eh).

Hindi ko alam kung kailan ako ulit magsusulat ng Filipino na post pero malamang hindi eto ang huli. Paalam!!!!!

No comments:

Post a Comment